Текст песни Loonie feat. Ron Henley, Mike Kosa, Toney Chrome, Jskeelz - Dito Sa Maynila

  • Просмотров: 7
  • 0 чел. считают текст песни верным
  • 0 чел. считают текст песни неверным

Текст песни

Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Dito sa Maynila nakikipagsagupaan
Kahit mainit tumutulo ang pawis parang kandila
Kailangang magtrabaho kailangan din sumuyod
Di iindahin dere-deretso pa rin hanggang mapagod
Pagka’t kailangan may mauwi na grasya
Pero konting ingat didistansya sa disgrasya
Maraming bagay na di-inaasahan
Sa Maynila akin na tong napatunayan
May magandang pangyayari’t merong malungkot
Magmasid-masid para malaman ang sagot
Sa mga katanungang namuo sayong isipan
Simula’t sapul na mulat ka sa kaMaynilaan
Kailangang pag-aralan mamuhay at umasta
Dito sa kapitolyo ng Pilipinas ang buhay ay di basta-basta
Kaya kung aalis ka dito ay babalik ka rin
Alinyam ang Maynila kung babaliktarin
Di ko namalayan na umaga na pala
At namumula pa ang mga mata
Anak bangon na may pasok ka
Anong oras na alais sais pasado na
Isang araw nanaman ng pakikipag sapalaran
Ng mga paang nakikipag-apakan
Nakikipag-patintero nakikipag-unahan
Sa masasakyang jeep na magdaraan
Badtrip bakit laging traffic
Bakit ganito naging kulay abo ang langit
Nakakabinging ingay sa lungsod
Sa sobrang siksikan di ka maka-usog
Binunggo mo na nga ako ikaw pa ang galit
Di kita inaano wag ka makulit
Para makatakas sa siyudad na kay lupit
Sisindi nalang ako hanggang sa mapapikit
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Oh mahal kong Maynila anong tunay na mukha
Na kung hindi ka kakahig ay hindi ka tutuka
Sadyang kami ay dukha o napabilang lang kami
Nagtatrabaho ng umaga maghapon hanggang gabi
Makadiskarte lang kahit na kung minsan ay pagod
Hindi iniinda kahit magkanda-kuba ang likod
Sunod sa agos nagbabakasakaling makaraos
Na kung matapos man ito ay uuwi akong may galos
Merong sugat sa kamay dulot ng paghihintay
Na ibigay ang huling pamana sakin ni inay
Pero di madaling mabuhay sa hingi-hingi
Sa dami mong sinusubuan di mo na magawa pang ngumiti
Kahit matutulog kana sa isip mo biglang sasagi
Na bukas ay maniningil ng upa ang may-ari
Ng bahay kaya kumilos hanggang may buhay
Kung sitwasyong ganyan palagi di ka ba masasanay
J-Skeelz ang makatang bente sais anyos
Mahusay malupit naman kaso di rin nakatapos
Ng pag-aaral kinapos si tatay at si nanay
Dito sa barangay puro tambay dun ako sinanay
Nagiging sa ingay ng mga kapitbahay
Wala kong magawa kasi nga dikit-dikit ang bahay
Magtiis para masanay sa gutom para mabuhay
Dito sa lungsod na may kritikal na pamumuhay
Kung pupwede nga lang tumakbo kong president
Dito sa Maynila may milyon-milyong residente
Kalyeng takaw aksidente nagkalat sa Maynila
Mandurukot pag nandukot may asar pa sabay dila
Kaya ingat sa makipot na kalye kapag umikot
Baka ka maligaw sa dami ng pasikot-sikot
Pero pipiliin ko parin dito na manirahan
Sa Maynila kasi madaming pwedeng pagkaperahan
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Halikana’t sumugod sa karagatan
Ng alikabok at usok nalalampasan
Ang kahit anong pagsubok humawak ka lang
Higpitan mo lang ang kapit tibayan mo lang
Wag na wag kang mangangawit
Ang mga peklat mo ang magsisilbing patunay
Madaling mamatay kasi mahirap na ang buhay
Kailangang kumilos kailangang kumita
Pilipinong pinipilit pilipitin ang dila
Walang kape sa mesa
Walang kapera-pera
Paggantong taghirap dapat wala ng teka teka
Teka teka teka muna sadali
Mauunahan ka ng oras pag hindi ka nagmadali
Dapat mabilis at matulin na parang bus patungong Baguio
Wala nang atrasan kasi pinutol ko ang kambyo
Tapos yung preno mahina yung makina maingay
Sa Metro Manila talagang matira matibay
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila hindi mabubuhay ang mahihina

Перевод песни

В метро Манила действительно остается сильной
Потому что здесь, в Маниле, слабые не будут жить

Все тексты Loonie feat. Ron Henley, Mike Kosa, Toney Chrome, Jskeelz >>>